Text
wikang laban sa LGBTQ+
HOMOPHOBIA
negatibong pagtingin sa mga taong queer o mga taong may di-tradisyonal na sekswalidad at kasarian. Ang mismong salitang homophobia ay tumutukoy sa mga homosexuals o umiibig sa sariling kasarian, pero maari rin itong tumukoy sa mga bisexual, transgender, at iba pang sekswalidad o kasarian.
Laganap ang homophobia sa mga patriyarkal at relihiyosong lipunan dahil una, taliwas ang mga queer sa tradisyonal na lalake at babae, at pangalawa, nakasaad sa doktrina ng maraming relihiyon na isang kasalanan ang maging queer.
Text

Text
SINO ANG TINATARGET NITO?
ang mga bakla, tomboy, silahis (bisexuals), transgender, at iba pang kasarian at sekswalidad na taliwas sa tradisyonal na heterosexual-cisgender.

WIKANG HOMOPHOBIC
wikang naglalayong magdiskrimina o mang-api sa mga taong queer.
Di tulad sa ibang bansa, walang konsepto ng ‘homophobic slurs’ sa Pilipinas. Madalas kasi na ginagamit bilang ‘slur’ ang mga pangngalang ginagamit ng mga queer para sa sarili nila. Binabase sa konteksto ang gamit ng mga pangngalang ito, kung ito ba ay ginagamit na painsulto o palarawan.hindi rin ispesipiko ang mga pangngalan para sa mga queer sa Pilipinas. Halimbawa, ang salitang bakla ay maaring tumukoy sa lalaking nagmamahal ng kapwa lalaki, at maari rin itong tumukoy sa lalaking straight naman pero mala-babae ang pagkilos. Wala rin tayong sariling salita para sa mga transgender at madalas na tinatawag rin silang mga bakla.
Siguro ito ay dahil taboo ang mga usaping sekswalidad sa Pilipinas. Hindi ito itinuturing na disente at importanteng paksa kaya’t hindi natin napagyayabong ang wikang gamit natin para rito.
Text
HALIMBAWA NG WIKANG HOMOPHOBIC

“Bading ka ba? Bakit ganyan ka kumilos?”
Kapag tinatanong ang isang tao kung bading ba siya dahil sa pagkilos niya, malamang na hindi ito mataos na tanong. Sa halip, layon nitong pahiyain ang kausap gamit ng paghahambing sa bakla, at ipinapalagay nito na nakakahiya maging bakla.“Wag ka ngang babakla-bakla!”
Tulad ng huling halimbawa, pinapalagay nito na masama ang maging bakla o umasta na parang bakla.“Tunay na lalake yan.”
Ang pagsabi ng ‘tunay na lalaki’ o ‘tunay na babae’ ay nakakahamak dahil pinapahiwatig nito na ang mga queer ay hindi tunay na babae at lalaki, o sila ay mas mababang uri ng babae at lalaki.“Grabe siya kung makapanamit, feeling-babae.”
Ito ay mapanghamak sa mga transgender, ang pagsabi na sila ay ‘feeling-babae’ o ‘feeling-lalaki’. Pinapawalang-saysay nito ang kanilang gender identity, at ipinapahiwatig na sila ay hindi babae o lalaki o kung ano man ang napili nilang kasarian.“Tignan mo itsura niya. Tomboy yan.”
Ang pag-assume sa kasarian o sekswalidad ng isang tao base sa kanilang itsura ay nakakahamak rin dahil ikinakabit nila ang mga stereotype dito.“Di raw siya babae, 'di rin raw lalaki. Ano yun, alien?”
Ang pabirong parirala na ito ay nakakahamak sa mga taong nonbinary o mga taong di-lalaki at di-babae. Ihinahambing sila sa mga bagay at hayop at ibinababa ang kanilang estado bilang tao.
Text